November 5, 2024

PAGSASAMPA NG KASO SA MGA OPISYAL NG PHILHEALTH, OKS KAY DIGONG

Photo from PNA

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Task Force PhilHealth na pagsasampa ng criminal at administrative charges laban sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian sa Philhealth.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ginawa ni Pangulong Duterte ang pag-apruba sa rekomendasyon ng task force kamakalawa ng gabi sa isinagawang public address ng chief executive.

Sa kanilang isinumiteng report sa Pangulong Duterte, kabilang sa mga pinakakasuhan ay sina President and Chief Executive Officer (PCEO) Ricardo C. Morales, Senior Vice President Jovita V. Aragona, Chief Information Officer and Head of the Information Management Sector, Senior Vice President Renato Limsiaco, Jr. Senior Vice President Israel Francis A. Pargas ng Health Financial Policy Sector; Officer in Charge Calixto Gabuya, Jr at Division Chief Bobby A. Crisostomo.

Inirekomenda rin ng The Task Force na kasuhan ng administratibo ang mga nasabing indibiduwal dahil sa dishonesty, gross neglect of duty, grave misconduct, and conduct prejudicial na nakasira sa interes ng public service.

Napatunayan sa imbestigasyon ng Task Force PhilHealth na nagpabaya sa tungkulin ang mga naturang opisyal na nagresulta sa pagkawaldas ng bilyun-bilyong pisong pondo ng ahensiya.

Ayon kay Pangulong Duterte, ikinalulungkot nito pero kailangang sumailalim sa paglilitis ang mga akusadong opsiyal.

Sina Morales, De Jesus, Limsiaco at Pargas ay kasama sa inirekomenda ng Senado na kasuhan matapos ang isinagawang imbestigasyon.