NAGSAGAWA ng pagpupulong kamakailan sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Navotas Cong. Toby Tiangco, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, kasama ang mga opisyal ng MMDA, DPWH, at shipyard association upang pag-usapan ang nasirang navigational gate sa Malabon-Navotas River. Tinalakay sa pagpupulong ang mga gagawing hakbang para sa mabilisang pag-sasaayos ng flood gate, kabilang ang pagsasagawa ng dredging sa ilalim ng gate sa lalong madaling panahon upang bumalik na sa normal ang pamumuhay ng mga residente sa Malabon at Navotas. (JUVY LUCERO)
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY