December 24, 2024

PAGSAGIP SA MGA STRANDED OFW’S, AKSYON, HINDI SALITA — BERTIZ III

IKINALUNGKOT ni dating Acts-OFW Partylist Chairman at ngayo’y TESDA Deputy Director General Aniceto ‘John’ Bertiz III nang malamang ilan sa mga stranded overseas Filipino Workers (OFWs), na nawalan ng trabaho ay napilitang magbenta ng kanilang dugo.

Ginagawa ito ng mga kaawa-awang mga OFW upang may pantawid-gutom sa gitna ng kinakaharap na global pandemic.

Bukod dito, nakarating din sa kaalaman ni Chairman Bertiz III na ang ilan sa ating mga kababayang OFW ay naghahanap na ng makakain sa basurahan.

“Our OFWs are obviously facing almost unimaginable hardships abroad. Like many of us here, they too dread of what their future awaits them under the new normal environment. They lost their jobs and are now risking themselves to eat and survive,” pahayag ni Bertiz.

“Our concerned government agencies need to act fast in addressing the issues, concerns and difficulties of our documented and undocumented OFWs who were displaced or stranded abroad due to the pandemic. Instead of belittling, undermining or spinning their struggles, we need to heed their pleas for our help.”

“This is our urgent and immediate task, and we need everybody’s support and cooperation to keep our OFWs safe and extend assistance to them and their families,” aniya.

Napag-alaman na mahigit sa 50 OFW’s ang stranded  na ng tatlong buwan sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Sila ay nawalan ng trabaho nang magsara ang pinapasukan nilang restaurant.

Dahil sa kakapusan, kumapit sila sa patalim sa pamamagitan ng pagbebenta ng dugo sa halagang 500 Riyadh o katumbas ng P6, 600. Panawagan nila sa pamahalaan, tulungan silang makauwi sa bansa nang sa gayun ay makapiling nila ang kanilang mga mahal sa buhay.