November 22, 2024

PAGRE-RENEW NG REHISTRO NG SASAKYAN, P’WEDE NA SA PITX

MASAYANG inanunsiyo ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), na maari nang mag-renew ng rehistro ng sasakyan ang mga motorista sa naturang terminal.

Nakipagbalikatan ang PITX sa Land Transportation Office (LTO) upang dalhin ang registration renewal service para sa mga kotse at motorsiklo.

Para makumpleto ang motor vehicle registration renewal process sa PITX, ang mga sumusunod na requirements ay kailangan isumite:

•     LTO Client ID

•     One (1) clear photocopy of the latest Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR)

•     (Note: This is not applicable for online motor vehicle registration renewals)

•     Proof of electronically transmitted appropriate insurance Certificate of Cover (COC)

•     Electronically transmitted Motor Vehicle Inspection System Report (MVISR) or Certificate of Emission Compliance (CEC)


Ayon sa PITX, umaasa ito na malaki ang maitutulong nito sa mga motorista sa Metro Manila at sa mga nakapaligid na lugar.

“At PITX, we continuously strive to provide innovative and efficient solutions for the convenience of the public. The addition of motor vehicle registration renewal services reinforces PITX’s dedication to being a comprehensive center for all our passengers’ needs,” ayon kay Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Director ng PITX

Noong nakaraang taon, sinabi ng LTO na nasa 60 na porsyento ng kabuuang bilang ng mga sasakyan sa buong bansa ay hindi nakarehistro noong 2022.