![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-42-1024x732.png)
MARIING kinondena ni Senador Lito Lapid ang karumal-dumal na pagpatay sa Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) ng Ministry of Basic Higher Technical Education na si Sonatria Dandun Gaspar sa Jolo, Sulu nitong Biyernes ng hapon.
“Nararapat lang na mabigyan ng hustisya ang biktima. Ang ganitong uri ng pagpatay sa ating guro ay walang puwang sa isang sibilisadong lipunan,” pahayag ni Lapid.
“Kung nais nating umunlad ang BARMM ay dapat po nating mapigilan ang ganitong karahasan lalo na sa mga lingkod bayan nating humuhubog sa ating kabataan,” diin ni Lapid.
Hiniling ni Lapid sa PNP at NBI na magtulungan sa pagiimbestiga sa krimen at papanagutin ang sinumang nagpapatay sa biktima.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikidalamhati si Lapid sa pamilya ng nasabing school officer sa Sulu.
“Taus-pusong pakikiramay po sa pamilya ni Mam Sonatria, isa po siyang tunay na bayani,” ani Lapid
Base sa inisyal na ulat ng Jolo Municipal Police Station, an isang armadong suspek ang pumasok sa compound ng biktima at saka siya pinagbabaril.
Nakatakas naman ang suspek matapos isagawa ang krimen.
More Stories
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
Kampanya ng mga kandidato magsisimula na
2 PINAY NAPIGILAN NG BI DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG DOKUMENTO