November 18, 2024

PAGPATAY SA AMA NI KERWIN, UTOS NI DIGONG

Inamin ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang utak sa pagpatay sa kanyang ama.

“Tayong mga Pilipino, nakita natin sa TV na ang dating presidente nagsasabi na patayin niya lahat ng mga nasa narco list. So, pagkaintindi ko, siya talaga ang nag-utos na patayin ang papa ko.

Nakilala ang pamilya Espinosa matapos akusahan si Kerwin na kanilang sa top illegal drug personality sa Eastern Visayas. Mismong si Duterte ang nag-akusa kay Kerwin at sa kanyang ama na si Rolando, na sangkot sa kalakaran ng illegal na dorga matapos masabat sa isinagawang operasyon ng pulisya ang P11 milyon halaga ng shabu sa isang tennis court malapit sa tahanan ng mga Espinosa sa Albuerta, Leyte.

Gayunpaman, pinatay ang nakatatandang Espinosa noong 2016, ilang buwan matapos siyang unang sumuko kay Dela Rosa.

Inakusahan naman ang nakababatang Espinosa na nagbibigay kay De Lima ng drug money sa pamamagitan ng kanyang dating body guard na si Ronnie Dayan.  Ginamit ang statement ni Espinosa para usigin si De Lima, ngunit hindi siya nagsilbing witness sa tatlong drug cases na isinampa laban sa dating senator. Noong 2022, binawi ni Espinosa ang lahat ng kanyang akusasyon laban kay De Lima at sinabing pinilit at tinakot lamang siya para gawin ang kanyang unang statement.

Nahaharap si Espinosa sa patong-patong na kaso, kabilang ang money laundering at drug-related cases. Gayunpaman, ibinasura ang lahat ng kanyang drug-related cases at pinalaya matapos pagayagang makapagpiyansa noong Disyembre 2023. Ang natitirang kaso na lamang ni Espinosa ay ang 84 counts ng money laundering.

Kasalukuyan siyang tatakbong mayor ng Albuerta, Leyte.