IPINAGDIRIWANG ng Scam Watch Pilipinas ang pagpasa ng Republic Act (RA) No. 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).
Sa ilalim ng nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na iniakda ni Sen. Mark Villar at itinaguyod ng Committee on Banks, Financial Institutions & Currencies, nagtakda ng mas mabigat na parusa sa tinaguriang “money muling” na pasok sa kategorya ng money laundering. Kabilang rin sa tututukan ng RA 12010 ang social engineering schemes, economic sabotage at iba pang ilegal na aktibidades na umiikot sa panggagantso.
Ayon kay Jocel de Guzman, Co-Founder at Co-Lead Convenor ng Scam Watch Pilipinas, pinuri nila ang pagsisikap ng mga ito sa hangaring bigyan ng angkop na proteksyon ang mga Filipino laban sa online scams at iba pang anyo ng panloloko.
Hinihimok din ng Scam Watch Pilipinas ang mga implementing agency, sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na isama ang mga probisyon sa loob ng Implementing Rules and Regulations (IRRs) na nagtatatag ng mga channel para sa mga biktima ng social engineering scam na umapela sa mga bangko, e-wallet, at mga institusyong pinansyal para sa reimbursement kung mapatunayan sa imbestigasyon.
“This is critical, as many social engineering victims feel helpless when coerced into sharing personal information like one-time passwords (OTPs). This often leads banks, e-wallets, and financial institutions to accept the transactions as legitimate, given that OTPs verify their authenticity. This situation underscores the need for stronger consumer protection measures and clear guidelines, beyond mere awareness campaigns,” ayon kay De Guzman.
“The passage of AFASA marks a significant turning point in the fight against financial scams. Scam Watch Pilipinas remains committed to working alongside government and law enforcement agencies, and financial institutions to ensure the law’s effective implementation,” aniya pa.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, magiging mas mahusay na ang mga Filipino na matukoy at maiwasan ang ang online scams, habang ang mga awtoridad ay magkakaroon na ng resources para panagutin ang mga sangkot sa ganitong uri ng krimen.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY