PINALAKAS ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ordinansa ng lungsod upang itaguyod ang kapayapaan at kaayusan.
Sa unang 100 araw ni Mayor John Rey Tiangco bilang local chief executive, naaresto ng Navotas police ang 10 Top Most Wanted at 31 Most Wanted na personalidad, kabilang ang suspek sa insidente ng pamamaril noong Hunyo 15 sa Brgy. San Jose.
Nasamsam din ng pulisya ang P6,474,736 halaga ng iligal na droga at P22,268 illegal gambling money kasunod ng pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon at raid mula Hulyo-Setyembre.
Samantala, 72 katao na gumagamit ng droga ang nagtapos sa Bidahan, ang community-based drug rehabilitation program ng lungsod; 70 ulat ng Text JRT na may kinalaman sa droga ang naaksyunan; at 1,660 indibidwal at pinaghihinalaang gumagamit ng droga ang sumailalim sa drug-testing.
Ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinasa ng lungsod ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 4,512 traffic at parking violators; 497 na lumabag ay pinagmulta sa ilalim ng anti-smoking at anti-littering laws; at 32 busted illegal fishing activities.
Pinangunahan din ni Tiangco ang inagurasyon ng bagong ayos na Navotas City Central Fire Station, at bagong itinayong Disaster Risk Reduction Management staging area.
Bumili din ang lungsod ng dalawang karagdagang garbage truck, at nakakolekta ng 82,179 kilo ng solid waste at debris sa 37th International Coastal Clean-up.
Bukod dito, 144 na mangrove at 129 tree saplings ang itinanim sa Tanza Marine Tree Park at iba pang open space sa lungsod.
Dahil sa mga accomplishments na ito, ang Navotas ay nakatanggap ng 2021 High Functional Anti-Drug Abuse Council, at 2019 at 2021 Functional Local Peace and Order Council citations mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON