January 11, 2025

PAGPAPATAYO NG MEDICAL SCHOOL SA PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERISITY-MAIN CAMPUS APRUBADO SA 2ND READING

Photo courtesy of Randy Datu


Pumasa na sa second reading ng House Committee on Higher and Technical Education, Appropriations, and Ways an Means, ang panukala para sa pagtatayo ng medical school sa President Ramon Magsaysay State University-Main Campus na matatagpuan sa Iba, Zambales.

Sa Committee Report No. 1323, nagkasundo ang mga miyembro na aprubahan ang substituted House Bill 10502 o ang o ang proposed President Ramon Magsaysay State University-College of Medicine Act ni Rep. Cheryl P. Deloso-Montala.

Sa paghahain ng panukala, binigyang-diin ni Montalla na malaking tulong ang pagtatayo ng medical school sa PRMSU-College of Medicine para tugunan ang kakapusan ng mga doktor sa bansa.

Alinsunod sa panukala, magkakaroon na ang PRSMU ng Doctor Medicine Program, kabilang ang Integrated Liberal Arts and Medicine (INTARMED) Program, na binubuo ng basic science at clinical courses, at paggamit ng learner-centered at competency-based approach.