December 25, 2024

PAGPAPATAYO NG INTERMODAL TERMINAL SA CLARK, SINIMULAN NA

INTERMODAL TRANSPORT TERMINAL MALAPIT NANG BUKSAN. Sisimulan na ang pagpapatayo ng SM Intermodal Transport Terminal matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony kamakailan lang. Pinangunahan ni SM Supermalls Senior Vice President Engr. Bien Mateo  (kaliwa) ang seremonya kasama sina (mula kaliwa pakanan) Clark Development Corporation (CDC) Vice President for Engineering Services Group Dennis Legaspi, CDC Chairman Atty. Edgardo Pamintuan, Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr., Mabalacat City Vice Mayor Atty. Gerald Aquino, Clark Global City President Freddie Placino, at  Angeles City Councilor JC Parker. (Photo courtesy: Atty. Gerald Guttrie Aquino Facebook account)

CLARK FREEPORT – Malapit nang magkaroon ng isang world class na intermodal transportation terminal sa loob ng Freeport matapos pangunahan ng Premiere Clark Complex, Inc. (PCCI), isang subsidiary ng SM Prime Holdings Inc. (SMPH), at Clark Development Corporation (CDC) sa pangunguna ng chairman nito na si Edgardo D. Pamintuan ang ground breaking ceremony ng terminal hub.

Nagpahayag ng kagalakan si Pamintuan  kaugnay sa development ng nasabing pasilidad, kung saan nabanggit nito na ang nasabing istruktura sa Clark ay magsisilbing transportation hub sa Central Luzon.

Naglaan ang PCCI ng P2 bilyon investement para sa development ng terminal. Ito ay magiging four-storey structure kung saan mayroon itong mga karagdagang pasilidad tulad ng waiting areas, restrooms at iba pang services. Makalilikha rin ito ng 1,000 direct employment opportunities at humigit-kumulang 800 job vacancies habang ipinapatayo ito.

Bukod kay Pamintuan, dumalo rin sa groundbreaking rites sina CDC Chief-of-Staff at Vice President for Engineering Services Group (ESG) Dennis C. Legaspi, SM Supermalls Vice President Bien Mateo, SM Assistant Vice President for North Luzon Junias Eusebio, SM Supermalls Regional Operations Manager North IV Andrea Madlangbayan, at SM City Clark Mall Manager Jerwin Jalandoni.

Naroon din sa event sina Angeles City Mayor Carmelo Lazatin, Jr., Angeles City Councilor JC Parker, Mabalacat City Vice Mayor Gerald Guttrie Aquino, at Clark Global City (CGC) President Freddie Placino.

Ayon kay Mateo na ang transport terminal ay makadadagdag sa iba pang mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno sa ilalim ng “Build Build Build” program.

 “This new structure will accommodate upcoming demands brought about by the government’s ‘Build Build Build’ project in the region such as the Clark PNR, Clark International Airport expansion, and New Clark City among others,” dagdag niya.

Ang intermodal transport ay makatutulong na mapabuti ang public transportation sa Freeport. Makapagbibigay din ito ng sapat na bilang sa departure bays para sa Public Utility Jeepneys (PUJs), Bus Rapid Transit (BRT), shuttle services, taxis at iba pang uri ng transportasyon.

Kung matatandaan nagkaroon ng lagdaan ang CDC at SMPH ng lease agreement para sa proyekto nitong Hunyo 2021. Nilagdaan ang kasunduan nina CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan at SM Prime President Jeffrey