TULOY-TULOY ang pagpapaluwag sa mga jail facility matapos palayain ngayong araw ang ilang persons deprived of liberty.
Ngayong araw ay may 195 persons deprived of liberty ang pinalaya, mula ito Mayo 1 hanggang Mayo 10, sa bilang na ito 138 ay nagpaso na ang maximum sentence; 7 ang binigyan ng parole, 5 ang sinailalim sa probation at 45 ang napawalang-sala.
Labing-anim sa mga napalaya ay mula sa Correctional Institution for Women; 20 mula sa Davao Prison and Penal Farm; 6 sa Iwahig Prison and Penal Farm; 7 sa Leyte Regional Prison; 71 sa New Bilibid Prison Maximum Security Camp; 41 sa NBP- Medium Security Camp; 6 sa NBP Minimum Compound; 7 sa NBP Reception and Diagnostic Compound; 6 sa Sablayan Prison and Penal Farm; 15 sa San Ramon and Prison Penal Farm.
Noong nakaraang buwan, may 805 PDLs ang pinalabas sa iba’t ibang prisons and penal farms: 548 sa bilang dahil sa natapos na ang sentensiya; 67 ang napawalang-sala; 28 ang isinailalim sa probation; isa ang inisyuhan n g habeas corpus at 161 ang binigyan ng parole.
Sa kabuuan, mayroon ng 13,836 na PDLs ang napalalaya sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan