November 3, 2024

PAGPAPALAWIG SA MABABANG TARIPA SA AGRI PRODUCTS OK KAY MARCOS

INAPRUBAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na nagpapalawig sa implementasyon ng Executive Rrder (EO) na nagpapataw ng mababang tariff sa imported na bigas, baboy at mais na magtatapos sana sa Disyembre 31, 2023.

Ipinagtanggol ng Palasyo ang naging hakbang sa harap ng pagtutol ng mga grupo ng magsasaka, sa pagsasabing kinakailangan ito para mapababa ang presyo ng mga bilihin sa bansa at matiyak ang sapat na suplay ng mga produktong agrikultura. 

Sa ilalim ng EO No. 171, magpapataw lamang ng 35 porsiyento para sa bigas (in-quota at out-quota); 15 porsiyento (in-quota) ay 25 porsiyento (out-quota) para sa 
imported na karneng baboy; mais, limang porsiyento (in-quota) at 15 percent (out-quota); coal ay zero duty.

Sa ilalim ng Republic Act 10863, o Customs Modernization and Tariff Act, binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na bawasan o alisin ang import duty ng ilang produkto.