December 26, 2024

PAGLAHOK SA 2022 ELECTION NG KAPATID NA SI JINGGOY, PROBLEMA NI DATING SENADOR JV EJERCITO

AMINADO si Dating Senador JV Ejercito na malaking problema niya ang paglahok sa halalan ng kapatid na si Jinggoy Estrada.

Sa forum ng National Press Club, sinabi ni Sen. JV na ipinaalam niya sa kanilang ama na si Dating Pangulong Joseph Estrada ang sitwasyon.

Gayunman, ayaw na aniyang makialam ng Dating Pangulo sa problema na namamagitan sa kanilang magkapatid.

Ayon kay Sen JV, kung hindi sila nagkasabay ng utol na si Jinggoy ay malamang na napabilang siya sa 12 nanalong Senador noong 2016 lalo na at kaunti lamang ang lamang ng panlabindalawang nanalong kandidato.

Aminado  si Sen JV na malaki ang epekto nang pagsabay ng kapatid sa kanyang kandidatura.

Kasabay nito, inihayag ni Sen. JV na kinukuha siya sa senatorial slate ng mga  presidential candidate gaya ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno ng Aksyon Demokratiko;  Senador Manny Pacquiao;  dating Senador Bongbong Marcos; Senador Panfilo Lacson; kampo ni Vice President Leni Robredo at ng administrasyon.

Binanggit din ni Sen JV, ang kanyang naging magandang performance sa Senado gaya ng mga naipasang batas na kanyang inakda, isa na rito ang Universal Health Care; Mental Health Act; Department of Social Settlement at ang National Integrated Council.

Ayon pa kay Sen JV, nais niyang makabalik sa Senado upang mabantayan ang implementasyon ng mga batas na kanyang naiakda.