ORLANDO, Fla. (AFP) – Kung inalat man sa laro nila sa Raptors kamakalawa, bumida sa Los Angeles Lakers (51-15) si Anthony Davis. Umiskor si Davis ng 42 puntos sa paglunod ng Lakers sa Utah Jazz (, 116-108.
Ang pagkapanalo ng Lakers ang nagluklok sa team sa top seed sa West sa unang pagkakataon. Noong 2010, huling nag-top seed ang Lakers sa Western Conference.
Nag-ambag naman si LeBron James ng 22 points at 9 assists. Samantalang 11 naman ang inambag ni Dwight Howard at 10 naman ang kay Kentavious Caldwell-Pope.
“All the stuff we’ve been through this season, to clinch No.1 in the West means a lot but we’re not finished,” ani Davis.
“It’s just one of the milestones of many to get to where we want to be.”
Nagsalpak agad ng 23 points si Davis sa unang half. Ito rin ang ika-20 beses na gumawa ng mahigit 20 si Davis sa first half buhat nang lumipat sa Lakers.
Samantala, nanguna naman sa Jazz si Donovan Mitchell na may 33 puntos. Nag-ambag naman si Mike Conley ng 24.
Habang sa panig ng Jazz, bumida sina Donavan Michell na may 33 points at Mike Conley, 24.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2