January 23, 2025

PAGKAKAROON NG SARILING NEGOSYO NG ILANG TOP PINOY ATHLETES, IKINATUWA NG PSC

Ikinatuwa ni PSC officer-in-charge Ramon Fernandez ang ginawang inisyatibo ng mga pambansang atleta upang masiguro ang kanilang kinabuksan sa hinaharap.

May ilan kasi na naisipang magtayo ng sariling negosyo. Kabilang na rito ang ilang atleta mula sa Cebu City, na naging top finishers sa nakaraang 2019 Manila SEA Games.

Kaya naman, kabilang sila sa mga tinatawag ‘entrepreneurial athletes’.

Kabilang sa nagset-up ng business ay si SEA Games medalist Mary Joy Tabal na nagtayo ng ‘Queen Mary’s Kitchen, isang online food business.

Nagsimula lamang bilang pampalipas oras iyon ni Tabal upang malabanan ang pagkabagot. Subalit, hindi niya akalaing magiging matagumpay ang kanyang business.

Baking is one of my ways to fight anxiety. My dream is to start my own business. I did not expect that it would begin during the ECQ (enhanced community quarantine) period,”  pahayag ni Tabal.

Mismong ang 2019 SEA Games women’s marathon silver medalist ang nagluluto ng mga itinitinda niyang muffins; na idini-delivered sa pamamagitan ng ride-hailing apps.

Bukod kay Tabal, nagtayo rin si SEA Games double gold medalist at isa sa Asia’s top female skateboarders Margielyn Arda Didal ng food business sa Cebu City. Pinangalanan niya itong ‘Hungry Sk8s’ na may kaugnayan sa paglalaro niya ng skateboard.

Tampok rito ang mga putahe na humba (braised pork), spicy shrimps at ngohiong (shrimp, ground meat at vegetable spring rolls).

 “I’m happy that they’re using their popularity to their advantage y starting up a business. They will not be athletes forever. It’s good that they have thought about this while they’re still young,” pahayag ng tinaguriang “El Presidente”.