Idinepensa ng isang mambabatas si First Lady Liza Araneta Marcos sa pagtatanggol sa kanyang mister na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa mga bumabatikos sa kanya.
Giit ni San Jose del Monte Rep. Rida Robes kung tutuusin ay magalang pa nga ang mga pahayag ng Unang Ginang laban sa mga umaatake kay PBBM.
Bilang maybahay, ang reaksyon aniya ng First Lady ay isang honest reaction sa mga insultong ibinabato sa kanyang mister.
Giit ni Robes na hindi na biro ang mga ginagawa sa Pangulo ngayon na may mga panawagan pa para sa pagpapatalsik sa Pangulo.
Ngunit nananatili pa ring iginagalang ng Palasyo ang freedom of speech and expression.
Pinuri naman ni Robes ang pagiging “statesman-like” palagi ni Pangulong Marcos lalo na sa pagsagot sa kanyang mga kritiko.
Una nang inihayag ng Unang Ginang na naging napakabait niya kay Vice President Sara Duterte, ngunit inabuso aniya ito ni VP Sara nang dumalo sa isang rally sa Lungsod ng Maynila kung saan tahasang inaalipusta ang Pangulong BBM na tinawag pang bangag ng mga organizer ng kilos protesta at nananawagan na patalsikin sa puwesto ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA