December 27, 2024

PAGIGING LEGAL NG ABORTION TINULDUKAN NA NG AMERICA (Malawakang protesta nakaamba)

PHOTO: BROOKINGS

Nagbabala ang Department of Homeland Security (DHS) intelligence branch ng pagkakaroon ng malawakang kilos protesta sa malaking bahagi ng Estados Unidos.

Kasunod ito sa naging desisyon ng US Supreme Court sa pagbasura sa abortion rights.

Dahil dito ay pinapaalerto nito ang mga kapulisan, mga first responders at mga private sector partners nationwide.

Sa inilabas na memorandum ng DHS office of intelligence and Analysis, iniulat nito na nasa panganib ang buhay ng mga federal at state government officials kabilang ang mga judges.

Posibleng target din anila ang mga reproductive and family advocacy health care facilities at ang faith-based organizations.

Una rito, binaligtad ng Korte Suprema ang makasaysayang 1973 “Roe vs. Wade” decision na nagbibigay ng karapatan sa mga kababaihan na sumailalim sa abortion.

Base sa naganap na botohan limang justices ang pumirma sa majority opinion na kinabibilangan nina Clarence Thomas, Samuel Alito, Brett Kavanaugh, Neil Gorsuch at Amy Coney Barrett.

Tatlo naman ang kumontra na sina Stephen Breyer, Sonia Sotomayor at Elena Kagan.

Hindi naman sumali sa majority si Chief Justice John Roberts at sinabing hindi na niya ibabasura ang Roe Vs. Wade ruling at sa halip ay papanindigan na nito ang batas sa Mississippi na nagbabawal sa abortions.

Nangangahulugan ito na ang abortion ay hindi na federal constitutional rights at ibabalik na lamang sa mga iba’t ibang estado na sila na ang mag-regulate nito.

Matapos ang desisyon ay nagsagawa ng kilos protesta ang mga pro-abortion groups kung saan naglabas din ng mga iba’t ibang opinyon ang mga matataas na opisyal ng US.

Narito ang ilang background ng binaligtad na kontrobersiyal na kaso:

Nagbunsod ito ang kaso noong 1971 na isinampa ni Norma McCorvey na kilala sa court documents bilang Jane Roe laban kay Dallas County district attorney Henry Wade na siyang nagpatupad ng Texas law na nagbabawal sa abortion maliban sa pagligtas sa buhay ng babae.

Noong 1973, naglabas ang US Supreme Court ng desisyon na 7-2 na nagpapatibay sa legalidad na ang abortion ay karapatan ng babae base sa Fourteenth Amendment to the Constitution. Dahil sa desisyon ay nagbibigay sa kababaihan ng karapatan sa abortion habang ito ay nagbubuntis