November 3, 2024

Paghandaan ang pagdating ng La Niña

Marahil ang iba sa atin ang kampante lang ngayong ‘Ber’ months na. Bakit? Dapat kasi, sa panahon ngayon, dapat madalas na ang pag-uuulan.

Pero, madalang. Nakikita natin madalas si haring araw. Kung uulan man, kahit malakas, agad ding titila.

Mukhang pati panahon ay naging abnormal gaya ng ating pamumuhay dahil sa COVID-19. Gaya nga ng ating sinabi, malaking dagok kung ang pandemya ay hahaluan ng baha.

Gayundin ng bagyo o iba pang natural calamities. Pasalamat na lang tayo. Pero, nagbabala ang PAGASA na huwag tayong maging relaks. Kasi, may banta ng epekto ng La Nina. Ibig sabihin, madalas mag-uuulan sa last quarter ng taon. ‘O kahit sa unang quarter ng taong 2021.

Gaya ng COVID-19, ang La Niña ay worldwide din. Apektado ang ilang bansa sa mundo gaya ng babala ng NOAA.

Kapag nagkaganun, malaking perwisyo. Kawawa ang mga kababayan natin nakatira sa mababaw na lugar. Lalo na sa tabi ng estero, kanal at mga ilog.

Doble gastos din ito ng lokal na pamahalaan. Kasi, maglalaan sila ng pasilidad para sa evacuation. Gayundin ng para sa relief goods.

Maging balance sana ang ating kinauukulan. Kung papaanong tutok sa COVID-19, dapat ding tutukan ang mga lagay ng panahon.

Okay lang kung maaraw. ‘E kung madalas ang ulan? Mainam. Pero, di natin kailangan ng sobra.