December 23, 2024

PAGHALIK SA MGA ALAGANG ASO AT PUSA BAWAL – DOH

PINAALALAHANAN ng Department of Health ang publiko na huwag halikan ang  mga alagang aso at pusa upang maiwasan ang pagkalat ng rabbies virus.

Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesman Dr. Albert Domingo, mas ligtas sa pagkahawa ng rabies ang sinumang kung hindi hahalikan ang mga alagang hayop.

Paliwanag niya, nasa mga laway ng alagang hayop ang rabies na mabilis lumipat sa tao kapag hinalikan.

Bukod aniya sa kagat at kalmot ng mga alagang hayop, maaaring lumipat ang rabies virus sa pamamagitan ng paghalik. Kaya  inirerekomenda ng DOH na huwag halikan ang mga alagang aso at pusa kahit  mayroong bakuna.