January 23, 2025

PAGGUNITA SA IKA-135 TAONG KAARAWAN NI KA FELIX MANALO

Bukas, May 10 mga Ka-Sampaguita ang kaarawan ni Ka Felix Manalo. Gugunitain ng mga kaibigan nating member ng Iglesia Ni Cristo ang kanyang ika-135 taong kaarawan.

Isinilang si Ka Felix noong Mayo 10, 1886 sa Barrio Calzada sa Tipas, Taguig. Na ang lunan ng kanyang kapanganakan ay isang historical site na.

Siya’y masasabi nating ehemplo sa paglinang ng espirituwal na aspekto. Sa una ay nag-iisa lang siya.

Ngunit, naipalaganap niya ang ebanghelyo. Kitang-kita naman natin ngayon kung saan na nakarating ang Iglesia

Siya ay isang mahusay na lider at ministro ng Diyos. May alam tayo tungkol sa kanyang talambuhay. Nalaman natin dahil sa mga kaibigan nating Iglesia.

Ngunit, marami akong nalaman nang mapanood ko ang pelikulang “Felix Manalo”.

nang ipangaral niya ang mga aral ng Iglesia, kakatwa ito dahil hnd kinagisnan ng karamihan. Ibang-iba sa doktrina ng ibang kongregasyon.

Dumanas din ng pag-uusig si Ka Felix. Pero, nalampasan niya ito sa tulong at awa ng Panginoong Diyos. Ika nga sa isang kanta; ‘Mula sa isang tao, ngayon ay bayan mo”

Hindi biro ang dinanas niya bilang ministro at unang Executive Minister ng INC. Kung aral sa aral, maraming bawal sa Iglesia

Kapansin-pansin na ang mga kaanib sa Iglesia ay tahimik lang, mabababait at disiplinado. Ang mga pasaway ay itinitiwalag.

Hanga ako sa disiplinang espirituwal na ipiniiral sa INC. Masigla pa rin sa pagsamba ang mga kaanib kahit may pandemya.

Yan ang kaisipang iniwan ni Ka Felix sa mga miyembro ng kongregasyon kanyang pinamahalaan. Na ang batayan at aral ay nakasalig sa Biblia.

kaisa ako sa pagbati sa ika-135 taong kaarawan ni Ka Felix Manalo.