Magandang araw sa inyo, mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Ngayong araw, ginugunita natin ang ika-124 anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal.
Sino ba si Rizal para sa mga millennials ngayon? Palagay ko, batid ng karamihan ang ginawa ni Rizal sa bansa.
Disyembre 30, 1896, sinentensiyahan si Pepe na i-firing squad sa Bagumbayan. Ang pook na ito ang siyang Luneta ngayon.
Alas 7:00 ng umaga nun. Pagkalipas ng 3 minuto, bumulagta na si Pepe sa lupa. Si Rizal ay biktima ng pekeng akusasyon.
Isang pekeng at moro-morong paglilitis ng mga Espanyol. Hindi man lang pinasapit ng bagong taon. Ayaw ng mga Espanyol na may isang Pilipinong nakakapantas— o mas higit pa ang kaalaman kaysa sa kanila.
Nagdiwang ang mga dayuhan. Pero, naisahan sila ni Pepe. Dahil ang pagmamatay nito ang lalong nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Pilipino
Makalipas lang ang 2 taon at kalahati, nagwakas ang kalokohan ng mga Kastila. Dumating ang mga Amerikano.
Nalaman ng mga Pilipino na ang kumakaya-kaya sa kanilang Espanya ay mas malakas pa pala sa kanila.
Kahit papaano, may pagkilala ang mga Amerikano kay Pepe. Katunayan, noong 1921, kinilala ni Pangulong William Howard Taft ang kadakilaan ni Rizal.
Iniluklok nito si Rizal bilang pangunahing bayani kahit walang kongkretong batas dito. Isa pa, ipinangalan kay Rizal ang Distrito ng Morong at nagging isang lalawigan.
Noong 1901, pinagtibay ni US President Theodore ang panukalang gawan ng monumento ni Rizal sa Luneta. Noong Disyembre 30, 1913, pinasinayaan ito at doon din nalalagak ang kanyang labi.
Mataas ang pagkilala nating mga Pilipino kay Rizal. Pinag-aaralan sa mga eskuwelahan ang kanyang buhay at mga ginawa.
Mayroon siyang 118 bantayog sa bansa. Medron din sa ibayong dagat. Espesyal si Rizal sa ating mga Pilipino. Masasabing siya ang pinakabantog o pamgunahin sa mga bayani ng ating lahi’t bansa.
Bago matapos ang 2020, binabati ko na kayo mga kababayan ng Happy New Year. Sana, maging maayos ang taong 2021 para sa atin. Viva La Raza!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA