Ngayong araw mga Cabalen, ginugunita ng ilan sa ating mga kababayan ang kabayanihan ni Ninoy Aquino.
Agosto 21, 1983, 37 taon na ang nakalipas, pinaslang si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport.
Naging hudyat ang pagkamatay ng dating senador ng pag-usbong ng kakaibang alab sa puso ng mga Pilipino. Ika nga ni Bise Presidente Leni Robredo, ipinaglaban daw nito ang demokrasya at kalayaan.
Namatay daw si Ninoy noong panahong balot ng kadiliman ng diktadurya ang Pilipinas.Kaya, umusbong at naikasa ang EDSA People Power noong 1986.
Limiin natin mga Cabalen, ano nga ba ang nagawa ng isang Ninoy Aquino sa bansa? Ano nga ba ang kanyang ipinaglaban?
Hindi naman natin sinasabi na walang nagawang di maganda si Ninoy sa bansa. Meron din naman kahit papaano.
Subalit, laliman natin ang pagsusuri, mga Cabalen. Marami naman sa atin, lalo na ang mulat ang kamalayan noong dekada 60 hanggang 80.
Kung ano ang talagang nangyari, alam nila. Alam din ng ilan sa atin. Magkaibigan si Ninoy at si dating Pangulong Marcos.
Ngunit, dahil sa komplikasyong sa political interest, naging kritiko ni Ninoy si Apo. Gayunman, may tamang ipinaglaban si Ninoy, meron din namang hindi.
At dahil sa espesyal sa iba ang petsang Agosto 21, inaalala natin si Ninoy. Bilang isang larawan ng katapangan at pagka-makabayan.
Hindi makakailang isa siyang mahusay na orador, gaya ni Apong Marcos. Kaya nga kahit si Pangulong Duterte ay hanga sa kanya.
Sinabi ng Pangulo na gayahin ang magandang katangian ni Ninoy. Ang aking pagdidiin, mga Cabalen, kahit magkaiba o magkalaban sa pananaw sa pulitika, mahalaga pa rin ang pagkakaisa.
Hindi puro batuhan lang ng putik at burak sa mukha.
Politika ang isa naghahati sa atin. Kalimutan muna natin ito habang lumalaban tayo sa gitna ng pandemya.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino