
Naging mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita ng All Saints’ Day, Nobyembre 1, 2024 ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, walang untoward incident ang na-monitor sa mga sementeryo, kolumbaryo, memorial parks, at iba pang lugar.
Nagdagdag ang PNP ng police deployment para tiyaking maayos at mapayapa ngayong long weekend.
Nasa 40,113 police personnel ang ipinakalat ng PNP.
Paalala ng pambansang pulisya sa publiko na tiyaking secure ang kanilang bahay kapag sila ay aalis para maiwasang mabiktima ng mga kriminal.
More Stories
Lunod incidents sa Calabarzon, patuloy ang pagtaas ngayong tag-init!
ALAMIN: Ano ang Mangyayari Matapos ang Pagpanaw ni Pope Francis?
Mahigit 57,000, Pinayagang Makaboto sa Local Absentee Voting — Comelec