Ngayong araw mga ka-Sampaguita ang ika-142 taong kapanganakan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Kaya nga, tuwing buwan ng Agosto, lalo na sa petsang 19, ipinagdiriwang ang ‘Linggo ng Wika’ noon.
Bagama’t mahusay rin sa pagsasalita ng wikang Ingles, tinagurian si Quezon na ‘Ama ng Wikang Pambansa’.
Siya ang naging daan upang kilalanin ang wikang ‘Tagalog’ bilang pangunahing lengguwahe ng bansa. Ang nasabing lengguwahe ay ginagamit sa CALABARZON. Gayundin sa Metro Manila.
Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika bilang pagpupugay kay Quezon. Bagama’t may ilang tutol sa wikang Tagalog bilang wikang pambansa, natanggap naman ito ng karamihan sa katagalan.
Kaya nga, kahit saang rehiyon, marunong ang ating mga kababayan na magsalita ng Tagalog.
Kaya,magkakaiba man ang lengguwahe sa bawat lalawigan at etnisidad, nagkakaintindihan dahil sa wikang ito.
Marahil may ilang nagtatanong, bakit pa ipinagdiriwang ang buwan ng wika? Mahalaga ito sa pakikipagtalastasan. Tinuturuan tayong mga Pilipino na maihalin ang ating wika.
Na tayo ay manatiling nakayuko’t nakatapak ang paa sa lupa.
Ang wika ang susi upang magkaunawaan sa hindi pagkakaintindihan.
Ang ‘Buwan ng Wika’ ang nagiging daan at paalala sa atin na bigyang halaga an gating wika. Ang wika ang sumasalamin sa ating bansa— sa ating pagiging Pilipino.
Ang ating bansa ay binubuo ng 185 lengguwahe’t diyalekto. Pangunahin o alam ng lahat ang Tagalog. Kabilang din sa 8 pangunahing lengguwahe ay ang Ilocano, Hiligaynon, Kapampangan, Waray, Bicolano, Cebuano at wika ng taga-Pangasinan.
Ngayong taon, sumesentro ang tema ng wika bilang sandata sa pakikipagtalastasan. Lalo na sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Bilang Pilipino, mahalaga na bigyang alaala natin ang Buwan ng Wika. Sapagkat ang salita o wika ay kaloob ng Diyos. Isang misteryo na hindi mahagap ng mga tao.
Marahil naitatanong mo, saan nagmula ang ating wika? Mahabang usapin yan. Ang importante, nagkakaintindihan tayo.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA