February 8, 2025

Paggawaan ng pekeng PWD ID sa Maynila sinalakay

NASAKOTE ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang anim katao na sangkot sa malawakang paggawa at pagbebenta ng pekeng person with disabilities (PWD) identification cards at iba pang mga dokumento sa Maynila.

Ayon kay NCRPO chief Brig. Gen. Anthony Aberin, nagsagawa sila ng operasyon matapos magreklamo ang grupo ng mga negosyante, kabilang ang Restaurant Owners of the Philippines (Resto PH) kaugnay sa mga naglipanang pekeng PWD ID para sa diskwento.

Aniya, nagsagawa ng operasyon ang Manila Police District (MPD) sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa Santa Cruz, Manila noong Miyerkules, na nauwi sa pagkakatimbog ng tatlong indibidwal na may mga alayas na “Dogdog,” 49; “Tess,” 34; at “MJ,” 31.

Habang nagsagawa naman ang NCRPO Regional Special Operations Groups ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto kina “Aileen,” 45; “Jonatahan,” 39; at “John,” 25 sa Quiapo, Maynila.

Nakumpiska ng pulisya ang isang computer set, laptop, printer, rubber stamp, siyam na gold seals, isang pack ng vellum paper, isang cutter at isang metal ruler bilang ebidensiya habang ang mga hindi natapos na pekeng PWD IDs at iba pang pinaghihinalaang pekeng IDs at iba’t ibang pekeng pampubliko at pribadong dokumento.

Kisuhan ang anim na suspek sa Manila Office of the City Prosecutor dahil sa pamemeke ng public documents,

Ang anim na suspek ay nahaharap sa mga kaso sa Manila Office of the City Prosecutor para sa pamemeke ng mga pampublikong dokumento, pati na rin ang paggawa at pagmamay-ari ng mga kagamitan para sa pamemeke.