IPINAHINTO muna ng Department of Labor and Employment ang trabaho sa ginagawang Skyway Extension Project sa Muntinlupa City.
Batay sa Supplemental Work Stoppage Order na nilagdaan ni Atty Sarah Buena Mirasol, Regional Director ng DOLE NCR, ang kautusan ay kasunod nang pagbagsak ng girder o isang bahagi ng tulay noong November 21 na ikinamatay ng isang motorista at pagkasugat ng anim na iba pa.
Nakasaad rin sa kautusan na dahil sa posibleng kapabayaan ng contractor pinatigil na rin ang construction hindi lamang sa apektadong lugar kundi sa kabuuan ng Skyway Extension Project, Sucat, Alabang Viaduct.
Nilinaw ng opisyal na ang aksidente ay pagpapakita nang matinding panganib hindi lamang sa kaligtasan ng mga manggagawa sa proyekto kundi maging ng mga mamamayan sa bisinidad nito.
Nilinaw ni Atty Mirasol na agad magkakabisa ang utos na pinalabas ng DOLE NCR ngayong araw, November 23, 2020.
Pag-aaralan naman ang posibleng pananagutan at multa na ipapataw sa EEI Corporation
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA