November 24, 2024

PAGGASTA NG PAMAHALAAN SA COVID-19 BUDGET, BUBUSISIIN NG KAMARA (Ilang solon nagpapasalamat kay Speaker Velasco)

WELCOME para sa mga miyembro ng Makabayan Bloc ang inihayag ni Speaker Lord Alan Velasco na iimbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ginawang paggugol ng gobyerno sa bilyong pisong pondo para sa COVID-19 pandemic response.

Ayon kay Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate, matagal na nila itong panawagan at pinasasalamatan nila si Velasco para sa hakbang na ito.

“Matagal na namin itong pinananawagan… salamat naman at nadinig ng liderato ng Kamara na maimbestigahan nga paano ginugol ang bilyon-bilyong pondo,” ayon kay Zarate.

Para naman kay ACT Teachers party-list Representative France Castro, kailangan ng imbestigasyon dahil mayroong mga alalahhanin na dapat tugunan kaugnay sa paggamit ng budget.

“This is a welcome move by the House leadership na pinamunuan ng ating Speaker so hindi na maipagkakaila na mayroon talagang malaking question doon sa paggasta ng executive,” saad niya.

“Itong COVID-19 response na ito, ang dami nang inutang, talaga namang hindi pa rin sapat ‘yung mga ayuda, ‘yung mga bakunang ito at iba pang pangangailangan,” dagdag niya.

Samantala, sinabi naman ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite, na obligadong hubaran ang mga kongresista kung papaano nila ginamit ang pondo.