December 26, 2024

PAGDAWIT KAY DIGONG SA DESTAB ITINANGGI: I’M COMFORTABLE WITH MARCOS

ITINANGGI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na palihim siyang nakipagpulong kasama ang mga matataas na opisyal ng AFP at PNP para sa umano’y planong pagpapabagsak sa administrasyong Marcos.

 “Sino namang g****g police or pati military na makipag-meeting sa akin to destab? You must be crazy,” saad ni Duterte.

“Naging president na ako For what purpose? To place somebody else in place of ( Pangulong Ferdinand Marcos Jr.)? I’m comfortable with Marcos. Why should I replace him and who am I to replace him at this time of my life? Those spreading destabilization rumors are either “bulls******g around” or were fueled with “plain insecurity,” dagdag niya.

Kumalat ang umano’y destabilization plot laban kay Marcos noong Nobyembre 2023, nilinaw ni Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Romeo Brawner na walang destabilization plot subalit ito ang ikinakalat na panawagan ng withdrawal of supports  ng ilang retiradong opisyal.

Itinanggi naman ni dating Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, isang retiradong opisyal ng militar, na ang kanyang grupo at September Twenty-One Reform Movement ang nagpaputok ng usap-usapang destabilisasyon.