December 18, 2024

Pagdaan ng mga sasakyang pandagat sa mga mahahalagang katubigan sa bansa, i-ban – Solon

Pinag-iisapan na ni Batangas 2nd district Rep. Jinky Luistro ang posibilidad ng pag-ban sa mga barko na dumaan sa mga mahahalagang katubigan sa bansa, gaya na lamang ng Verde Island Passage.

Sa balitaan sa tinapyan sinabi ni Luistro na gusto niyang magkaroon ng clustering o klasipikasyon ng mga katubigan sa bansa, kahalintulad ng ginagawa ngayon sa mga lupa.

Aniya, dapat malaman kung alin sa mga katubigan sa bansa ang pwedeng pangisdaan, pagdaanan ng mga barko, mga dapat protektahan at mga pwedeng magkaroon ng energy research.

Paliwanag ng mambabatas, sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mga oil spill incident sa mga katawang tubig na gaya ng Verde Island Passage na tinaguriang center of the center of the world’s marine bio diversity.

Pero giit ni Luistro. marami pang kailangan pag-aralan hinggil dito dahilan kaya kailangan niyang sumangguni muna sa mga eksperto.