December 21, 2024

PAGCOR VILLAGE SA BATANGAS, MPEC SA LAGUNA AT PAMPANGA PORMAL NANG BINUKSAN

PORMAL nang binuksan ang bagong tayo na PAGCOR village sa Barangay Coral na Munti, Agoncillo, Batangas, na maaring tirahan ng 100 pamilya. Makikita rin sa larawan ang dalawang benepisyaryo ng house project kasama si PAGCOR’s AVP for Community Relatuins and Services Eric Balos (kaliwa) at Senior Managers Eliza Cruz (pangalaw sa kanan) at Joaquin Abejar, Jr. (kanan).

Itinayo ang PAGCOR Village sa Barangay Coral na Munti sa Agoncillo, Batangas sa loob lamang ng isang taon at ipinagmamalaki ang pagkakaroon ng kompletong water at electricity system at kongkretong daanan.

Kasama si PAGCOR’s Senior VP Victor Mallilin (ikawalo mula sa kaliwa) sa key officers ng ahensiya sa pagtu-turnover ng symbolic key kay Cabuyao City Mayor Dennis Felipe Hain (ika-9 mula sa kaliwa) at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa ginanap na inagurasyon ng bagong tayo na Multi-Purpose Evacuation Center (MPEC) sa Barangay-Banay noong Disyembre 16, 2022.

Ang bagong two-storey na MPEC na matatagpuan sa Enterprise Park sa Banay-Banay, Cabuyao City Laguna.

Pinagasiwaan nina PAGCOR’s VP for Corporate Social Responsibility Group Ramon Stephen Villaflor (ikalawa mula sa kanan) at Arayat Mayor Maria Lourdes Alejandro (kaliwa) ang unveiling ng marker ng bagong tayo na MPEC sa nasabing bayan sa Pampanga na sinaksihan ni agency’s AVP for Community Relations and Service Balcos.