January 25, 2025

PAGCOR SA PUBLIKO: MAG-INGAT SA BOGUS NA OFFSHORE GAMING NA NAG-AALOK NG TRABAHO

PATULOY na iniimbestigahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), katuwang ang mga kinauukulang ahensiya, ang mga report patungkol sa kahina-hinalang mga grupo na gumagamit ng social media groups, dating apps at messaging applications na nag-aalok ng trabaho na may kinalaman sa offshore gaming o POGO.

Nabatid na ang target ng grupong ay ang mga walang kamuwang-muwang na biktima kung saan papangukan nila ito ng trabaho na may malaking sahod at mga benepisyo pero sa katunayan ay gagamitin lamang nila ang mga ito sa scam activities.

Kadalasan sa kanilang hinahanap na trabahador ay mga Customer Service Representatives na may experience sa cryptocurrency trading.

Dahil dito, nagbabala ang PAGCOR sa publiko na maging maingat at mapagmasid sa mga job advertisement.

Inihayag din nito na ang Online Dating Services at Cryptocurrency Investments ay hindi bahagi ng authorized acts ng Offshore Gaming Licensees at Service Providers nito.

Maari namang magsumbong ang sinumang makakakuha ng anumang impormasyon kaugnay sa illegal na aktibidades na ito sa POGO Hotline No. 0927-8098619 o [email protected].

Ang mga responsible gaming lamang sa pamamagitan ng lehitimong online gaming operations ang siyang sinusuportahan ng PAGCOR.

Para sa updated list ng PAGCOR-authorized gaming entities at gaming website/platforms, maaring bisitahin ang official website ng ahensiya na www.pagcor.ph/regulatory/accredited-service-providers.php