Nitong Enero 31, 2023, napag-alaman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa isang news report na naglabas ng statement ang Soleil Chartered Bank na itinatanggi na nag-isyu ng bank certification sa Global ComRCI, third-party auditor ng PAGCOR para sa offshore gaming licensees, na ang kontrata ay nagsimula noong Disyembre 2017.
Kaugnay sa report na ito, muling iginiit ng PAGCOR na mula nang maupo ang bagong management noong Agosto 2022, lahat ng kontrata – kabilang na ang Global ComRCI – ay ni-review noong Setyembre 2022.
Nire-validate ng bagong pamunuan ng PAGCOR ang veracity ng mga dokumentong isinumite ng third-party auditor nito, ang Global ComRCI. Kung mapapatunayan ng PAGCOR na ang mga dokumento na isinumite ay ‘spurious’ o peke, agad silang gagawa ng legal na aksyon at kakanselahin ang kontrata ng kanilang third-party auditor, kung mapapatunayang nararapat.
Nagpapasalamat ang PAGCOR kay Senator Sherwin Gatchalian para mabigyang linaw ang isyung ito sa isinagawang imbestigasyon ng Senado noong Enero 23, 2023.
“The state-run gaming firm reassures the public that it is conscientiously looking into the matter and will take the necessary actions to safeguard public interest. Further, PAGCOR upholds strict adherence of its offshore licensed operators and accredited service providers to whatever laws which may be applicable to them,” ayon sa PAGCOR.
More Stories
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI
NAT’L SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK GAGANAPIN SA CAGAYAN DE ORO CITY