Pinangunahan nina Pagcor Chairman Andrea Domingo at Manila Mayor Isko Moreno ang pamimigay ng relief packs para sa mga jeepney driver na apektuhan ng “tigil-pasada” dahil sa COVID-19 pandemic. Ginanap ang pamimigay sa Manila City Hall. (Kuha ni ART TORRES)
NAGLAAN ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ng mga relief packs para sa 1,590 jeepney driver sa Maynila na nawalan ng hanap-buhay dahil sa pandemya.
Ang naturang relief pack ay may lamang bigas, delata, face shield, isang box ng face mask at sabon.
Itinurn-over ng mga opisyal ng PAGCOR ang relief packs kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na siyang nag-abot sa mga tsuper sa Manila City Hall ngayong Biyernes ng umaga.
Dumalo sa naturang event sina PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo; Atty. Roderick Consolacion, Vice President II, Legal Group; Jimmy Bondoc, Vice President II for Corporate Social Responsibility; Ramon Stephen Villaflor, Assistant Vice President II for Community Relations and Services Department; and Carmelita Valdez, Assistant Vice President II for Corporate Communications Department.
Isa ang mga jeepney na driver na pinakatinamaan ng tigil-pasada dahil sa COVID-19 pandemic na naging dahilan para mamalimos sila ng pagkain at pinansiyal na tulong sa mga kalsada.
Habang ang iba ay ginawang pansamantalang bahay ang kanilang mga jeep matapos mapalayas sa kanilang tinutuluyan dahil sa kawalan ng kita.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA