December 26, 2024

PAGCOR NAGLAAN NG P100-M SA EVACUATION CENTER PROJECTS

Maganda ang naging pasok ng taong 2022 sa dalawang bayan sa Benguet matapos silang makatanggap ng P100 milyon na pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa pagpapatayo ng Multi-Purpose Evacuation Centers (MPECs).

Ang mga bayan ng Buguias at Mankayan, na naging pinakabagong benepisyaryo ng MPEC Project ng PAGCOR, ay tumanggap ng tig-P25 milyon sa groundbreaking ceremonies ng proyekto noong Enero 6, 2022. Ang naturang halaga ay kumakatawan sa first tranche ng P50 million grant  para sa two-storey MPEC project na malapit nang itayo sa Barangay Bangao, Buguias at Barangay Tabio sa Mankayan.

Nagpasalamat naman si Barangay Captain Linda Tagubasi ng Bangao, Baguias sa PAGCOR dahil sa MPEC project.

Aniya na hindi na kailangan ng kanilang barangay na magbayad ng renta kung sakaling kailangan nila ng malaking lugar para sa community activities. Hindi na rin nila kailangan mag-aalala kaugnay sa kakulangan ng pansamantalang matutuluyan para sa mga inililikas na pamilya kapag may kalamidad na paparating.

Samantala, nagpasalamat din ang local chief executives ng Baguias at Mankayan sa PAGCOR para sa MPEC project grant.

 “It is a welcome news that we will soon have a P50 million-worth evacuation center in partnership with PAGCOR dito sa aming munisipyo, which is the northernmost part of the province of Benguet. It is a little mindblowing na ganito po kalaki,” wika ni Mankayan Mayor Atty. Frenzel Ayong.

 “I am very elated that at the start of the year, here comes the approval of PAGCOR sa ganitong kalaking project na makakatulong sa munisipyo namin. We wish to extend our full gratitude to PAGCOR including those who have facilitated this project,” pasasalamat naman ni Buguias Mayor Ruben Tinda-an.

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, sa pamamagitan ng MPEC project nito, ang state-run gaming firm ay nanatiling nakatuon sa misyon nito na mabigyan ang calamity-prone communities ng ligtas na evacuation shelters.

“Despite the challenges in revenue generation due to the ongoing pandemic – and now the new surge in cases which will again have a huge impact on our economic activity, we still hold on to our promise of helping build safe structures for typhoon-prone communities. Our aim is not only to help save lives but also help build sustainable and safe communities,” paliwanag niya.

Inilusad noong 2020, nakapaglabas na ang PAGCOR ngayon ng sumatotal na P1.516 bilyon upang simulan ang pagpapatayo ng 66 MPECs sa buong bansa. Ang nasabing halaga ay kumakatawan sa unang tranche o 50% ng pagpopondo ng PAGCOR para sa proyekto.