January 19, 2025

PAGCOR NAGBIGAY NG TULONG SA MGA INILIKAS NA RESIDENTE SA ALBAY

PORMAL nang ipinagkaloob ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco (ikatlo mula sa kanan) ang relief donation ng ahensiya kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda para sa mga pamilya na inilkas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa lalawigan. Kasama rin nila sa larawan sina (mula sa kaliwa) PAGCOR President and COO Atty. Juanito Sañosa and Directors Jose Ortega, Gilbert Remulla at Francis Concordia.

HABANG patuloy ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay, nagbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng tulong sa libo-libong bakwit at pamilya na naninirahan malapit sa naturang bulkan.

Pormal na itinurn-over ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco ang 6,000 relief packs na may lamang food at non-food items kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda ngayong araw sa Executive Office ng ahensiya sa Maynila.

Ipamamahagi ang relief goods sa mga residente sa iba’t ibang bayan sa Albay na agad iniligas matapos ideklara ang kanilang komunidad bilang permanent danger zones ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

“Nagpapasalamat po ako dahil laging nariyan ang PAGCOR para tumulong. Lalo na’t kailangang-kailangan namin ng suporta dahil pangmatagalan ang aktibidad ng Mayon at sa ngayon nga ay nasa 15,000 katao na ang apektado,” saad ni Salceda.

Samantala, sinabi ni Chairman Tengco na nauuwaan ng PAGCOR ang kalagayan ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng abnormal na aktibidad ng Mayon.


 “We hope that these care packages that we donated to affected Albayanos will bring relief to their difficult situation. Rest assured that PAGCOR will do what it can to answer the call for help of our affected kababayans,” saad niya.

Noong 2018, nagpaabot din ng tulong ang PAGCOR sa libo-libong resident eng Albay na apektado sa phreatic eruption ng Mayon. Nagsagawa ang state-run gaming firm ng feeding programs para sa libo-libong indibidwal sa iba’t ibang evacuation centers sa Tabaco, Malilipot, Camalig, Legazpi, Daraga, Guinobatan at Sto. Domingo sa Albay.