PINANGUNAHAN ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo ang kick off ceremony sa pagpapatayo ng kauna-unahang Overseas Filipino Workers Hospital sa San Fernando, Pampanga kahapon.
Ang konstruksyon o paggawa ng nasabing ospital – na itatayo sa dalawang ektaryang lupain ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga – ay naisakatuparan dahil sa P500 milyon donasyon ng Bloomberry Cultural Foundation,Inc. (BCFI), isang entity na itinaguyod ng operator ng Solaire Resort and Casino.
Bukod sa donasyon ng BCFI, magbibigay din ng P300 milyon ang PAGCOR para sa pagbili ng mga makabagong kagamitan sa medisina para sa ospital.
Kabilang sa mga opisyal na pamahalaan na dumalo sa seremonya ay sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Secretary of Labor and Employment Silvestre Bello III, Vice Governor of Pampanga Lilia Pineda, Overseas Workers Welfare Association Administrator Hans Leo Cacdac, at Undersecretary of Health Dr. Lilibeth David.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA