January 20, 2025

PAGCOR BOARD PROUD SA TOPNOTCHER, MGA EMPLEYADO NA NAKAPASA SA 2022 BAR EXAMS

Pinangunahan ni Chairman and CEO Alejandro Tengco ang pagbibigay ng parangal kay 2022 Bar Exam topnocher Czar Matthew Gerard Dayday na dumalo sa brief awarding ceremony virtually. Nasa larawan din sina President and COO Juanito Sañosa. Jr. (kaliwa) at Directors Gilbert Cesar Remulla (ikalawa mula sa kaliwa), Jose Maria Ortega (ikalawa mula sa kanan) and Francis Democrito Concordia (kanan) at mga magulan ni Dayday na sina Cesar at Emily.

PINARANGALAN ng mga miyembro ng Board of Directors ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), sa pangunguna ni Chairman and CEO Alejandro Tengco, ang topnotcher at mga empleyado na nakapasa sa 2022 Philippine Bar Examination sa ginanap na Executive Committee Meeting na isinagawa ngayong araw sa PACGCOR Executive Office sa Maynila.

Pinagkalooban ng Certificate of Distinction at cash gift ng state-run gaming firm ang bar topnotcher na si Czar Matthew Gerard Dayday dahil sa kanyang pambihirang nakamit na tagumpay.

Kapwa nagtatrabaho ang magulang ni Dayday sa Casino Filipino.

Inanunsiyo rin ni Chairman Tengco na marami pang reward ang naghihintay kay Dayday kabilang ang isang laptop na kanyang napili mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Kinilala at pinarangalan din ng PAGCOR Board sina Casino Filipino Branch Manager Michael Joseph De Jesus Bailey at Casino Filipino-Cebu Pit Officer Malou Pangalangan dahil sa pagpasa sa Bar Exam.

Ipinaliwanag ni Tengco na napagdesisyunan ng PAGCOR na parangalan ang Bar topnotcher, sapagkat historical ito para sa ahensiya na ang anak ng dalawa nilang empleyado na sina Cesar at Emily Dayday, ang nag-top sa 2022 Philippine Bar Examination.

“Minarapat kong parangalan ang ating Bar topnotcher dahil first time sa history ng PAGCOR na mayroong anak ng mga empleyado na nanguna sa Licensure Examination for Lawyers. This may not happen again.”, ayon sa PAGCOR chief.