November 17, 2024

PAGCOR BINALAAN PUBLIKO LABAN SA US-BASED ILLEGAL GAMBLING

PINAG-IINGAT ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang publiko – lokal man o dayuhan – na tumaya o sumali sa sa mga illegal na online gambling sites.

Ang panawagan ng gaming regulator ng bansa ay nag-ugat matapos makatanggap ng mga ulat na isang website – www.starspangled200 – kung saan naka-print ang halos 800,000 rehistradong plaka ng sasakyan sa Maryland, USA upang i-promote ang kasaysayan ng naturang bansa, ay ginagamit ng mga manloloko bilang link sa isang illegal gambling website na nag-o-operate umano sa Pilipinas.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, ang URL na www.starspangled200.org kung saan naka-print ang mga plaka ng sasakyan ay naka-redirects sa https://www.globeinternational.info/ na ginagamit bilang illegal gambling platform ay hindi lamang nilalabag ang karapatan ng mga player kundi inilalagay din sa alanganin ang Pilipinas.

“PAGCOR has nothing to do with the said websites, as well as the gaming activities happening therein. As the country’s gaming regulator, PAGCOR does not condone illegal online gambling. Engaging or betting on illegal gambling activities is not only a criminal act; it also takes away from the government billions of pesos in revenues which can be used to fund priority programs that will benefit a greater number of Filipinos. Hence, we have been continuously working with various government and law enforcement agencies to ensure that our gaming policies are in place and the online gaming platforms that we regulate are safe and credible,” aniya.

“We have referred this matter to our Security and Monitoring Cluster for investigation. The website was also referred to the appropriate government agency for immediate action,” dagdag ni  Tengco.

Mariing na panawagan ni Tengco sa mga gaming aficionados na makibahagi lamang sa lisensiyadong online-based gaming platforms nito para sa isang tunay na masaya at ligtas na gaming experience.

Makikita ang listahan ng mga rehistrado at lehitimong websites sa link na ito: https://www.pagcor.ph/regulatory/index.php.