Kumpiyansa si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda na maipasa agad ng Kongreso ang inakda niyang House Bill 1667 o Sangguniang Kabataan (SK) Compensation Act.
Inilabas ni Salceda ang pahayag matapos aprubahan sa ‘second reading’ kamakailan ng Senado ang sariling bersyon nito ng panukala kung saan nakapaloob, hindi lamang ang pagpapasahod sa mga halal na opisyal ng SK kundi pati ang pagbibigay sa kanila ang ‘civil service eligibility’ na layunin din ng nauna niyang panukalang HB 1030.
“Compensating SK officials sends a strong signal that the State expects the degree of professionalism and dedication it expects of other paid government officials. It signifies that the State takes seriously the work of the SK,” saad ni Salcenda.
Kasalukuyang pending ang HB 1667 sa House Committee on Local Government.
Sa ilalim ng HB 1667 ni Salceda na aamyenda sa RA 10742, ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, panukalang pasahurin ang SK Kagawad katumbas ng kalahati ng buwanang pasahod sa Barangay kagawad na umaabot sa P6,250, depende sa antas ng pananalapi ng barangay.
“Dahil sa gagawing institusyunal na ang pasahod, kailangan ding gawing maliwanag kung ano ang aasahan natin sa SK”, wika ni Salceda.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA