December 24, 2024

PAGBIBIGAY NG REWARD NG MAYNILA SA MGA BARANGAY NA ZERO COVID-19, SUPORTADO NG DOH

SUPORTADO ng Department of Health ang inisyatibo ng pamahalaang lungsod ng Maynila na pagkalooban ng gantimpala o reward ang barangay na walang maitatalang kaso ng corona virus disease sa loob ng dalawang buwan.

Ayon sa DOH, iisa lamang ang layunin ng ahensiya at ng Lungsod ng Maynila at ito ay ang mapuksa ang coronavirus upang hindi na kumalat at kumitil ng buhay.

Pinaliwanag ng  DOH na bilang alkalde, nagtataglay ng local autonomy si Manila Mayor Isko Moreno upang mag-implemento ng mga programa sa kanyang nasasakupang lugar.

Ngunit paalala ng DOH, bagaman at magandang pakinggan na may reward, pinaalalahanan ang mga barangay official na maging matapat sa  tunay na sitwasyon sa kanilang lugar hinggil  sa mga kaso ng covid-19  dahil kung may itatago sila ay hindi makatutulong.

Una nang nalaman ng DOH na magbibigay ng ₱100,000 na reward si Mayor Isko sa mga barangay na magiging covid free mula ngayong Setyembre hanggang sa katapusan ng Oktubre na idagdag sa kanilang pondo.