January 23, 2025

PAGBATI SA KAARAWAN NI KA EDUARDO V. MANALO

Masasabing si Ka Eduardo V. Manalo ay isang halimbawa ng mabuting lider. Isang mabuting ehemplo sa pagtataguyod ng aspektong espirituwal.


Espesyal sa mga kaibigan at mga kababayan nating miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang araw na ito. Sapagkat, kaawaran ito ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.


Oktubre 31, 1955 kumita ng unang liwanag si ‘Ka Eddy Boy’ (palayaw ni Ka Eduardo). Kagaya ng kanyang lolo Felix Manalo at tatay na si Ka Eraño, pinamahalaan din niya ang INC.


Nagsimula ito noong Setyembre 2009. Sa kanyang pamamahala, maraming bagay at tagumpay ang nakamtan ang INC.

Maraming gusaling sambahan ang naipatayo. Naipatayo rin ang world’s largest indoor arena na ‘Philippine Arena’. Na mayroong 55,000 setting capacity.


Naipalaganap rin ang ebanghelyo sa iba’t -ibang panig ng mundo. Nagsagawa rin ng iba’t-ibang serye ng ‘Lingap Sa Mamamayan’. Kaqhit na lumaganap man ang pandemic, patuloy ang Iglesia sa pagpapalaganap ng ‘Salita Ng Diyos’. Gayundin sa paglulunsad ng iba’t-ibang aktibidad.


Kagaya ng ating mga kaibigan sa INC, hangad namin ang ibayo pang pagtatagumpay ng kawan. Ang mabuting kalusugan kay Ka Eduardo. Ang pahayang ito ay bumabati po sa inyo ng Happy Birthday. God bless po.