IBINASURA ng Department of Labor and Employment ang plano ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na ipagbawal ang sigarilyo upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Paliwanag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, kapakanan ng mga manggagawa at ang epekto sa ekonomiya ang dahilan kaya niya ito tinutulan.
We can’t ban smoking because it will adversely affect the tobacco industry,” wika ni Bello nang bumisita ang COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team sa Gen. Trias Cavite.
Saad pa niya na papalo din umano sa P145 billion na halaga ng excise tax mula sa tobacco industry ang mawawala kada taon kapag ipinagbawal na ang paninigarilyo at aabot sa 2.5 million na mga manggagawa ang maaapektuhan kapag ipinatupad ang plano ng IATF.
Dagdag ni Bello malaki rin umano ang kontribusyon ng industriya ng tabako sa Universal Health Fund ng gobyerno.
“If we ban smoking, those figures will be severely affected,” aniya.
Bilang Labor and Employment Secretary, nanindigan si Bello na trabaho niya ay para protektahan ang mga empleyado at magpatuloy ang mga negosyo sa gitna ng coronavirus pandemic.
Dahil dito, ipinanukala na lamang ni Bello na payagan ang paninigarilyo pero imintina pa rin ang isang metrong distansiya o hindi kaya ay gumawa ng smoking areas at isa-isa ang papayagang manigarilyo rito.
“We can smoke in smoking areas. But the condition is one smoker at a time,” saad pa ni Bello.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY