December 24, 2024

PAGBABAWAL SA PANGANGAROLING, PINAG-AARALAN

NAKATAKDANG talakayin ng national COVID-19 task force ang panukala na ipagbawal ang pangangaroling sa bansa dahil sa pandemya

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa nasasaalang-alang ng national IATF ang nasabing resolusyon ngunit sinabi na maari itong pag-usapan sa susunod na pagpupulong.

Nauna nang iminungkahi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na ipagbawal ang ‘street caroling’ upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ay sapagkat, ayon kay Mamba, karamihan sa mga nangangaroling ay nagmula sa ibang mga lugar at hindi residente ng kanilang lalawigan.

Naging tradisyon na sa bansa ang pangangaroling bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Kadalasan nangangaroling ang mga bata. Ayon sa pag-aaral, madaling kapitan ang mga bata ng COVID-19.