HINDI maaaring gawing sapilitan o mandatory ang bakuna sa mga bata para payagang makapag-enroll sa eskuwela.
Paliwanag ito ni Pasig City Representative Roman Romulo, ang Chairman ng House Commitee on Basic Education sa gitna nang pagtaas ng mga kaso ng pertussis o whooping cough sa hanay ng mga bata ngayon.
Sa Kapihan sa Manila Bay, pinaliwanag ni Romulo na ang pag-aaral ay isang karapatan at kung lalagyan ito ng prohibisyon ay maaaring makapekto lang sa sistema.
Pagdating aniya sa isyu ng kalusugan, dapat bigyan ng laya ang bawat isa sa pagdedesisyon.
Kahit sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na kontrolado na ang pagkalat ng pertussis sa bansa, sa data ng Department of Health, nasa 862 na ang kaso ng sakit sa Pilipinas, 49 sa kanila ay nasawi.
Karamihan sa kanila ay wala pang 5 taong gulang at mga hindi bakunado.
Naniniwala si Romulo na ang dapat mas palakasin ay information dissemination na ligtas at may benepisyo ang mga bakuna.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA