SA kabila nang umanoy paglago ng ekonomiya nitong ikatlong kwarter, dinikdik ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang economic managers ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang produkto.
Humirit ng kasagutan si Pimentel kay Sen. Sonny Angara, chairperson ng Committee on Finance na dapat gawing prayoridad ng mga economic manager ang pagbaba ng inflation rate sa lebel na pino-project o target ng pamahalaan.
Nang balangkasin ang 2024 national expenditure program, sinabi ni Pimentel na tinaya ng executive department na posibleng pumalo ang inflation rate mula sa 5 hanggang 6 porsyento sa huling bahagi ng 2023.
Gayunman, base sa latest estimates, posibleng sumirit ang inflation sa 6.2 percent sa huling bahagi ng taon.
“Are there realistic interventions from the government that could possibly bring down that inflation rate and keep it within the range of our original assumption?” tanong ni Pimentel kay Sen. Angara sa plenary budget deliberation.
Sagot ni Angara, nagkasa ang gobyerno ng ilang hakbangin para masolusyunan ang mataas na presyo ng mga bilihin at pagkain, gaya ng dagdag na suplay at importasyon, pagpapalawak ng Kadiwa program at pagbibigay ng buwanang food subsidy sa pinakamahihirap na pamilya.
Inaprubahan na nitong Huwebes ng Senado ang panukalang pondo ng Office of the President(OP), Office of the Vice-President(OVP) at Department of Education(DepEd).
Idenepensa nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Vice-President Secretary Sara Duterte ang kani-kanilang badyet sa 2024. End
Samantala, nanawagan si Senate Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros sa paghihigpit o regulasyon sa paggastos ng contingent funds sa ilalim ng pambansang pondo na halagang P5.768-trillion.
Giit ni Hontiveros dapat pagbawalan ang executive branch sa paggastos ng P13 billion contingent funds para mapunan ang confidential and intelligence funds ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan. “Such a move of big money…of course, must be governed by rules and procedures eventually,” ayon kay Hontiveros.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL