IKINAGALAK ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagbaba ng 2024 average inflation rate sa 3.2% – na nasa loob ng target – dahil sa epektibong mga interbensiyon ng gobyerno para mapanatili ang moderasyon ng presyo ng bigas at magbigay ng kailangang ginhawa sa mga pamilyang may mababang kita.
Ang averageinflation rate ng bansa noong 2024 ay mas mababa nang husto kaysa 6.0% noong 2023 at 5.8% noong 2022.
Ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing item tulad ng pagkain at non-alcoholic bevarages ay bumagal ng 4.4% noong 2024 mula sa 7.9% noong 2023. Samantala, ang taunang average inflation para sa housing, tubig, kuryente, gas, at iba pang mga uri ng enerhiya ay bumagal din ng 1.7% noong 2024 mula sa 4.9% noong nakaraang taon.
“With the President’s decisive leadership, whole-of-government approach, and concerted efforts of stakeholders, we were able to manage the inflation to finally settle within our target after two years. The sustained moderation in rice prices is particularly a welcome relief especially to our lower-income households and highlights the positive impact of our interventions. Lalo pa po naming pagbubutihin ang aming trabaho para tuloy-tuloy ang pagbaba ng inflation at mas mapagaan ang buhay ng bawat Pilipino,” saad ng Finance Chief.
Bumaba ng malaki ang rice inflation sa Pilipinas sa 0.8% noong Disyembre 2024 mula sa 5.1% noong Nobyembre 2024 at 19.6% noong Disyembre 2023.
Ang bigas ay nag-ambag lamang ng 0.07 porsyento puntos sa implasyon noong Disyembre 2024 o 2.3% sa kabuuang implasyon. Ito ay isang pagbaba mula sa 0.45 percentage points o 18.0% na kontribusyon ng bigas sa kabuuang implasyon noong Nobyembre 2024.
Patyloy na bumababa ang presyo ng bigas bilang resulta ng pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 62 noong Hulyo 2024, na nagbaba ng mga taripa sa pag-import ng bigas.
Ito rin ay nakatulong upang mapawi ang mga natitirang epekto ng mataas na presyo ng mga produktong pagkain dulot ng pananalasa ng mga bagyong Nika, Ofel, at Pepito noong Nobyembre 2024.
Sa National Capital Region (NCR), ang average na presyo ng retail ng imported na bigas para sa second half ng Disyembre 2024 ay bumaba ng PHP 4.07 bawat kilo (kg) mula sa second half ng Hunyo 2024, bago ang pagpapatupad ng nasabing EO.
More Stories
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas
4 KAWANI NG NBI, KASABWAT NA 7 FIXERS KALABOSO