December 25, 2024

Pag-uusap sikreto sa likod ng 13th month pay issue

Social dialogue at respeto sa bawa’t kampo ang susi sa matahimik at maayos na resolution sa issue ng 13th month payment last week.

Matapos mag-usap ang mga labor groups sa pangunguna ng Associated Labor Unions-TUCP, business and employers organizations at Department of Labor and Employment & Department of Trade and Industry na bumubuo sa National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) noong October 13, napag-desisyunan ni Labor Secretary na mananatili ang batas na umiiral sa 13th month pay. 

Ang NTIPC ay itinatag ng batas noong 1990s upang ma-minimize ang mga workers’ strikes and lockouts ng mga manggagawa because of grievances & injustices sa mga workplaces. It provides labor and business to sit down and talk with government as mediator. 

Ibig sabihin, kailangan bayaran ng employer ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado on or before December 24– walang deferment, walang exemption kahit na economically distressed ang kumpanya. 

Sabi ni Bello, pauutangin o bibigyan ng subsidy na lang ang mga enterprises unable to pay the 13th month pay of their employees. 

Respeto at pang-unawa ang nakita kong value principles na umiral sa pag-uusap na iyon ng mga unyon, negosyante at gobyerno. 

Kapag ipinagpilitan kasi ng mga negosyante ang gusto nila na baguhin ang 13th month pay law at pilitin ang gobyerno na baguhin ang implementing rules & regulations nito, malalim at malawak ang demoralization ng mga obrero at mga manggawa ngayong Christmas season. Whew!