December 24, 2024

Pag-ulan ng bulalakaw, matutunghayan mula Hulyo 28-31

MULING masasaksihan ang pag-ulan ng bulalakaw sa huling linggo ng Hulyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Sabi ng PAGASA, makikita ng mga taong mahilig manood ng butuin ang Southern Delta Aquarids meteor shower mula Hulyo 28 hanggang 31.

Pero ang pinakarurok nito ay magaganap sa hatinggabi ng Hulyo 29 at 30 kung saan maaring matanaw ang hanggang 15 bulalakaw sa loob ng isang oras.

Ang nasabing astronomical event ay mula sa Aquarius, Capricornus at Piscis Austrinus na nagbibigay ng magandang pagtatanghal ng bulalakaw sa kalawakan sa umaga ng huling bahagi ng Hulyo.

Ang Aquarids ay hinango sa pangalan ng constellation Aquarius o “Water Bearer” na unang natuklasan ng mga eksperto mula sa bansang Greece.

Sinabi ng PAGASA na ligtas panoorin ang mga meteor shower sa mga naked eyes lamang.