INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na handang i-audit ang lahat ng ahensya ng gobyerno kabilang na ang Commission on Audit (COA) kung siya ay magiging susunod na bise presidente ng bansa.
Sa pre-recorded Talk to the People Address ni Duterte kagabi sinabi nito na dapat may mag-audit rin sa COA.
Boluntaryo aniya siyang gagawa nito at handang i-audit kung mahahalal na bise presidente sa susunod na taon.
‘’Sinong nag-a-audit sa COA? May I asked that question. Somebody should do it. I will — I will do that if I become vice president. Ako na lang rin ang mag-audit sa lahat ng gobyerno. Lahat, pati ‘yung akin, mag-umpisa ako sa akin,’’ayon kay Pangulong Duterte.
Sa 1987 Constitution, nakasaad dito na ang COA ang nag-iisang external auditor ng mga ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).
Kabilang rin sa mandato nito na ang komisyon mismo ang mag-audit sa kanilang sarili.
Matatandaang binanatan ni Duterte ang COA matapos isinapubliko ang audit report nito sa Department of Health (DOH) kung saan naging kwestyunable ang paggasta ng P67 billion na COVID-19 funds.
Una nang ipinaliwanag ng Pangulo na hindi nito ipinahihinto ang komisyon sa pagtupad sa kanilang mandato, kundi hinihiling lamang nito na iwasan ng COA ang paglalahad ng kanilang report dahil nababahiran ng korupsiyon ang mga ahensya ng gobyerno kahit hindi pa ito pinal.
Muli ring binanggit ng Pangulo ang panawagan nito sa komisyon na bigyan ng sapat na panahon ang mga ahensya sa pag-liquidate ng lahat ng pondo lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa.
‘’It is not easy really to comply. We know that we should comply, there is no problem about it. But can we have just enough elbow room? Do not adopt the standards of the pre-pandemic days. We have a problem here.,’’ayon kay Duterte.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE