November 3, 2024

Pag-asa’t pangamba sa ating pagtahak sa taong 2021

Simula na ng bagong kabanata ng kasaysayan ng tao. Gayundin ng mundo. Panibagong pakikipagsapalaran ang bubunuin natin sa taong 2021.

Para sa iba, may nababanaag silang pag-asa. Gayunman, may nakararamdam ng pangamba.

Ano raw ba ang magiging kapalaran natin sa taong ito? Siguradong walang tututol na ang nagdaang taong 2020 ay malas.

Ngayon, nakapuwesto tayo sa dalawang hamon at paglalayag sa buhay. Pag-asa at pangamba.Diyan tayo tatahak sa susunod pang mahigit na 300 araw.

Naglalaro sa ating diwa ang ‘pag-asa laban sa pag-asa’. Pag-asang makakabangong muli sa pagkakadapa.

Gayundin sa pasakit, hirap, sama ng loob, depresyon,stress at kakapusan.

Na manapa’y wala na sanang babawian ng buhay. Na hindi tayo sasalantahin ng kalamidad at karamdaman.

Sa pangamba naman, iyon ay kabaligtaran ng nauna. Nariyan ang banda ng bagong strain ng virus. Pagtaas ng bilihin, kalamidad, baha, kahirapan, taggutom at iba pa.

Kaya, dalangin at hiling natin, maging magaan sana ang pagharap natin sa taong ito. Anoman ang maling nagawi natin noong nagdaang taon, itama natin.

Maghari ang pagmamahalan. Ang pag-asa nating mga tao ay dalawa. Pag-asa sangayon sa ating makakaya. At ang mas mabigat dito, ang pag-asa natin sa magagawa ng Diyos sa ating buhay.